
Baby nina Maja at Rambo, ‘made in Switzerland’
Ni-reveal ni Maja Salvador na made in Switzerland ang first baby nila ni Rambo Nuñez na kanyang ipinagbubuntis sa kasalukuyan.
“Swiss-made,” natatawang sey ni Maja sa panayam sa vlog ni Bernadette Sembrano.
September umano nabuo ang baby habang nasa Switzerland silang mag-asawa.
“Lahat naman ng friends and I think, buong bansa, very open naman ako na I want to have a Dragon baby. Pero siyempre, gusto namin, mag-enjoy muna. So, we tried nu’ng honeymoon,” kwento ni Maja.
Pero wala umanong nabuo after the honeymoon. Matatandaang ikinasal sina Maja at Rambo noong July 31. Pagkatapos nito ay agad silang nag-honeymoon.
Kwento pa ng aktres, binalak niyang magpa-check up dahil 35 na siya at si Ramno naman ay 38.
Pero sinabihan siya ni Rambo na relax lang at huwag stress-in ang sarili.
“So, we decided na ‘o sige, let’s enjoy this year, next year na lang kasi mahahabol pa if ever ang Dragon baby.
“Ayun, nu’ng nag-Switzerland kami, first week of September ‘yun, nalaman namin na I’m pregnant, third week ng September. So, ang bilis. Hindi namin in-expect at all,” lahad ni Maja.
Sa next check-up ay malalaman na ang gender ng baby. Dahil first child, magkakaroon din sila ng gender reveal at sobrang excited na nga ang mag-asawa.