
Baby ni Diego, wala pa ring ‘face reveal’
Sa ikalawang pagkakataon ay ibinandera ni Diego Loyzaga sa social media ang kanyang baby girl.
Sa kanyang Instagram account ay nag-upload muli si Diego ng larawan kung saan karga-karga niya ang kanyang baby habang nasa tabing dagat sa Busselton Jetty, Australia.
‘Yun nga lang, wala pa ring face reveal ang baby dahil nakatagilid ito sa larawan.
Caption ni Diego, “Somebody liked the beach.”
Ang naturang larawan ay umani ng katakut-takot na “likes” at positive reactions mula sa netizens, celebrity friends at pamilya ng aktor.
Nag-comment ang ina ni Diego na si Tereza Loyzaga, kapatid na si Sam Cruz, Sunshine Cruz at iba pa.
Matatandaang unang ipinost ni Diego ang kanyang baby girl noong June 8.
Karga-karga niya ang sanggol na mukhang kapapanganak pa lang that time.
Hindi kita ang mukha ng baby dahil nakatalikod ito sa photo.
Although wala pang direktang pahayag ang aktor na anak niya ito, ang komento ng ina niyang si Teresa na lola na siya ang naging basehan ng mga tao para makumpirmang totoo nga ang tsismis na daddy na siya.
Prior to Diego’s post ay nagkaroon na ng balitang magiging daddy na siya at isa nga sa mga unang nagbalita nito ay si Cristy Fermin.
Ilang buwan na ring naninirahan si Diego sa Australia.
Balitang nagtungo ito sa nasabing bansa kasama ang pregnant girlfriend para doon manganak.
Ayon sa balita, isang yoga instructor at pre-school teacher ang GF ni Diego.