Denjen

Baby girl ang ipinagbubuntis ni Jennylyn

November 27, 2021 Aster Amoyo 154 views

BABY girl ang ipinagbubuntis ni Jennylyn Mercado (34) at husband na si Dennis Trillo (40).

Tuwang-tuwa ang newlywed couple dahil natupad ang kanilang pangarap na magkaroon ng anak na babae dahil pareho na sila may tig-isang anak na lalake – si Alex Jazz (13) na anak ng singer-actress sa kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia at si Calix Andres Ho (14) naman kay Dennis sa dati nitong girlfriend, ang dating beauty queen-actress na si Carlene Aguilar.

As early as 2018 ay nag-planong magkaroon ng anak sa pamamagitan ng surrogacy sina Jennylyn at Dennis pero ito’y hindi natuloy nang normal na magbuntis ang Kapuso singer-actress who is due to give birth in summer next year.

Ngayong nagtapos na sa ere ang “Legal Wives” TV series ni Dennis, pahinga muna siya sa taping para maalagaan ang kanyang misis hanggang sa pagsilang ng kanilang first baby. Si Jennylyn naman ay hindi natapos ang taping ng kanyang bagong serye, ang “Love. Die. Repeat” na pinagtatambalan nila for the first time ng singer-actor na si Xian Lim.

IskoYorme humarap sa press bago ipalabas ang pelikula

HUMARAP ang actor-turned politician na si Manila Mayor Isko Moreno sa entertainment media nung nakaraang Biyernes (November 25) ng tanghali para sa kanyang solo presscon na may kinalaman sa upcoming movie “Yorme: The Isko Domagoso Story” mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan under Saranggola Media Productions. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Xian Lim (who plays the present Isko), McCoy de Leon (the teen-age Isko) at si Raikko Mateo Isko as a kid), Janno Gibbs who plays the role of the late star builder and Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno and a host of other cast na binubuo ng dating members ng youth-oriented program na “That’s Entertainment” kung saan nagsimula ang Presidential aspirant ngayon. Ang nasabing pelikula ay nakatakdang mapanood sa mga sinehan simula sa December 1, 2022 released thru Viva Films.

Kung anuman ang naabot ni Isko, ito’y tinatanaw niyang utang na loob una sa Diyos at pangalawa sa kanyang itinuring na tatay-tatayan (in showbiz) na si Kuya Germs.

“Wala siguro ako ngayon sa harapan ninyo kung hindi dahil kay Kuya Germs,” deklara ng presidential aspirant.

“Sino ang mag-aakala na ang isang dating basurero na kumakain ng mga tira-tirang pagkain sa basurahan ay mabibigyan ng magandang pagkakataon sa showbiz?” aniya.

Bukod kay Kuya Germs, ang isa pang pinasalamatan ni Yorme ay ang Seiko Films producer na si Robbie Tan na siya namang nagtiwala sa kanya pagdating sa paggawa ng mga pelikula.

Nagmula man si Isko sa isang mahirap na pamilya, hindi siya nawalan ng mga pangarap hindi lamang para sa kanyang sarili kundi laluna sa kanyang pamilya, mga pangarap na unti-unti niyang natupad.

“Libreng mangarap pero kailangang pagtrabahuhan mo,” diin pa niya.

Isko has been married to his non-showbiz wife of 21 years na si Diana Lynn Ditan-Domagoso at meron silang limang anak na ang isa, si Joaquin Domagoso ay pumasok na rin ng showbiz at nasa pangangalaga ngayon ng GMA Artists Center.

Samantala, kapag pinalad na manalo si Isko sa pagkapangulo, titiyakin umano niya na matutulungan ang local movie industry na isang sector na nag-suffer nang husto dahil sa pandemya.

SharonKarakter ni Mega lumabas na sa ‘Ang Probinsyano’

SA unang pagkakataon ay lumabas na ang character ni Aurora played by Megastar Sharon Cuneta sa top-rating and longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na siya ring tumatayong isa sa mga director at creative director ng serye. Hindi pa malinaw kung kakampi ba o magiging kaaway si Aurora ni Cardo Dalisay (Coco) at ng Team Aguila o kakampi ng mga kaaway ni Cardo. Si Aurora na naka-base sa ibang bansa ay anak ni Don Emilio (Tommy Abuel) na nag-aagaw-buhay ngayon. Malaki ang magiging papel ni Aurora sa “FPJ’s Ang Probinsyano” at inaabangan na ang magiging progreso ng kanyang character sa serye.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ay kauna-unahang serye ni Sharon sa bakuran ng ABS-CBN.

HeavenHeaven hindi na itinatago ang relasyon kay Kimpoy

LAST November 25, Thursday, ex-PBB housemate-turned-actress, Heaven Peralejo celebrated her 22nd birthday with her family and close friends. In separate photos ay nakita si Heaven kasama ang kanyang rumored boyfriend ngayon na si Kimpoy Feliciano, ang 28-year-old singer, dancer and YouTube star. Apparently, nakapag-move on na ang young Kapamilya actress sa kanyang recent break-up with Gary Estrada’s eldest son, ang Kapamilya actor na si Kiko Estrada. Tatlong buwan lamang ang itinagal ang relasyon ng dalawa.

Kamakailan lamang ay nagkaroon ng palitan ng mensahe sa kanilang respective Twitter account sina Heaven at Kimpoy.

“@heavenperalejo. That you for coming into my life so unexpectedly! Will be here for you no matter what. That’s a promise,” post ni Kimpoy na sinagot naman ni Heaven ng “Luv u forever, beh!”.

Kung pagbabasehan ang sagutan sa Twitter nina Kimpoy at Heaven, masasabing may relasyon na ang dalawa. Makikita rin sa kanilang mga larawan na masayang magkasama sa isang beach which we believe ay kuha sa Siargao Island.

Bago dumating sa buhay ni Heaven si Kimpoy, naging nobyo rin siya ang panganay ng boxing hero na si Sen. Manny Pacquiao na si Jimuel Pacquiao. Hindi rin tumagal ang kanilang relasyon.

AnneDahlia ipinasyal nina Anne at Erwan sa Paris

BORN in Australia nung March 2, 2020, ang one-year and eight months old daughter ng celebrity couple na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie is starting to become a jet-setter matapos itong dalhin ng mag-asawa sa Paris, France. Ito bale ang first trip ni Dahlia with her parents sa Paris at mukhang ini-enjoy ng celebrity daughter ang lugar.

Samantala, inaasahan ang pagbabalik-showbiz ni Anne sa unang quarter ng 2022 at kasama na rito ang kanyang pagbabalik sa “It’s Showtime” where she took her maternity leave since December 2019 in preparation sa kanyang pagsilang sa first baby nila ni ni Erwan.

Subscribe, like and share “TicTALK with Aster Amoyo” on YouTube. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE