Default Thumbnail

Babala saTaga-Bgy Alas asin: Doble ingat sa kawatan

January 27, 2025 Christian D. Supnad 90 views

MARIVELES, Bataan–Nanawagan ang barangay captain ng Brgy. Alas asin sa bayang ito na mag-ingat sa mga magnanakaw matapos mahuli ang isang suspek.

Pinaalalahan ng kapitan ang mga residente dito para hindi sila masingitan ng mga kawatan.

Tinaguriang pinakamayamang barangay, nasa Alas asin ang mga multinational companies na nagbibigay ng daan-daang milyong piso ng kita.

“Ang lahat hinihikayat na doblehin ang pag-iingat. Talamak po ngayon ang nakawan.

May mga dumadayo na galing sa ibang barangay na umaalialigid at naghahanap ng mabibiktima.

Siguraduhin laging nakasara ang bahay lalo na kung walang tao o sa oras ng pagtulog. Mag double lock po ng mga gate at pinto.

Kung may kakayahan po maglagay CCTV sa loob at labas ng bahay gawin din po natin bilang dagdag proteksyon at seguridad,” ani Kapitan Dante Malimban.