Olgado Nagbigay ng pahayag si Police Major Anthony Olgado, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit, kaugnay sa nangyaring aksidente na ikinasawi ng babaeng pharmacist sa Tondo, Manila.

Babaeng pharmacist durog sa trailer truck sa Tondo

December 1, 2024 Jonjon Reyes 289 views

NALURAY ang 32-anyos na babaeng pharmacist ng masagasaan ng tractor head matapos mahulog sa motorsiklo ng kanyang asawa na nasugatan din sa Tondo, Manila noong Biyernes.

Sa ulat ni P/Major Anthony Coyle Olgado ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Mel Lopez Blvd. na ikinamatay ni alyas Gizelle at pagkasugat ng asawa niyang si alyas John Carlo, 31,

Habang binabagtas ng Yamaha Nmax ni John Carlo ang kalsada biglang sumulpot ang isa pang motorsiklo kaya nag-preno ng todo si John Carlo.

Dumulas ang mga gulong ng rider hanggang sa tuluyang mawalan ng balanse at nahulog sa motorsiklo ang dalawa.

Sa pagbagsak sa semento, dumaan ang tractor head na may trailer at nasagasaan si Gizelle at tuluyang natodas.

AUTHOR PROFILE