Cocaine1

Babaeng may dalang P18.3M halaga ng cocaine naharang ng BOC-NAIA

August 25, 2023 People's Tonight 86 views

CocaineISANG babae na may dalang P18.3 milyong halaga ng cocaine ang naharang ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG).

Ang pasahero, na isang babae, ay nanggaling umano sa Addis Abiba at dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sakay ng Ethiopian Airlines ET 664.

Nakatago umano ang 3,454 gramo ng cocaine sa bag ng biktima.

Kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Drug Act, at Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang kakaharapin ng pasahero.

Ang maigting na pagbabantay ng BOC-NAIA na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa ay alinsunod sa direktiba ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio na higpitan ang border control at isinasagawang inspeksyon upang masawata ang mga tangkang pagpasok ng mga kontrabando sa bansa.

AUTHOR PROFILE