Default Thumbnail

Babaeng Malaysian nat’l nahulog sa gusali, patay

September 29, 2022 Edd Reyes 628 views

PATAY ang isang babaing Malaysian national nang mahulog umano sa gusali ng Avida Tower Verte Huwebes ng hapon sa Taguig City.

Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Kirby John Kraft, dakong alas-2:15 ng hapon nang itawag sa pulisya ng security guard ng naturang gusali na si Ramon Tacotaco, 39, ang umano’y pagkahulog ng biktima.

Nadiskubre ang bangkay ng biktimang nakasuot ng dilaw na t-shirt at maong pants na duguang nakahandusay sa lapag na ng gusali ng Avida Tower na nasa kanto ng 9th Avenue at 34 St. Bonifacio Global City (BGC), Fort Bonifacio, Taguig City.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Taguig police kaugnay sa naturang insidente at inaalam pa kung nagpakamatay o aksidenteng nahulog sa gusali ang biktima.

Hindi pa rin matukoy kung anong palapag nahulog ang biktima at kung doon din siya pansamantalang nanunuliuyan.

AUTHOR PROFILE