Default Thumbnail

Babaeng angkas nahulog sa motor, nagulungan ng trak, pisak

December 5, 2023 Jojo C. Magsombol 201 views

PATAY ang babaeng angkas nang mahulog sa motor at magulungan ng trak na nakatumbok dito sa Maharlika Highway, Brgy. San Miguel, Sto.Tomas City, Batangas.

Kinilala ang nasawi na residente ng Via Verde Subd., Bgy. San Vicente, Sto Tomas City.

Sa report ng Sto. Tomas police, tumatakbo ang motor na walang plaka sa Maharlika Highway bandang alas-12:50 ng hapon nang ma-sideswipe ng Isuzu tanker (CCN 9019) na minamaneho ng 48-anyos na driver at nakatira sa Purok 4, Iba O Este, Calumpit, Bulacan.

Nahulog ang biktima at nagulungan ng likurang gulong ng truck. Isinugod sa Laurel District Hospital sa Brgy. Santor, Tanauan City ang biktima pero idineklarang dead-on-arrival ng doktor.

Sumuko at dinala sa Sto. Tomas police station ang driver ng trak.

AUTHOR PROFILE