Default Thumbnail

Babae tinodas, tumodas tinodas ang sarili

June 21, 2024 People's Tonight 148 views

PATAY ang isang babaeng may-ari ng tindahan matapos barilin ng nobyo na nagbaril din sa sarili sa Brgy. Maguihan, Lemery, Batangas noong Miyerkules.

Sinabi sa report na dakong alas-9:20 ng umaga nag-aasikaso ang biktima ng kanyang tindahan nang biglang dumating ang suspek na si alyas Edgar at walang sabi-sabing binaril ang babae.

Matapos barilin ang biktima, nagbaril rin sa sarili ang suspek na napag-alamang jowa ng biktima.

Isinugod ang biktima at suspek sa ospital pero idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Ramonsixto Castillo.

Narekober ng mga pulis ang isang cal. 9mm pistol, isang bala at dalawang basyo ng bala mula sa pinangyarihan ng krimen.

AUTHOR PROFILE