Default Thumbnail

Babae tinadtad ng saksak sa Zambo del Sur, tigok

June 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 223 views

TADTAD ng saksak at wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad ang isang babae sa isang bakanteng lote sa Brgy. Lacarayan, Tigbao, Zamboanga del Sur.

Patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima dahil walang makitang anumang identification card sa katawan nito.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, ang biktima ay nagtamo ng 12 saksak sa iba’t -ibang bahagi ng katawan kabilang sa gitnang bahagi ng katawan, kaliwang braso, leeg at tadyang.

Ang bangkay ay dinala sa Tigbao Rural Health Unit para sa post -mortem examination.

May hinala ang pulisya na itinapon lamang ang bangkay sa nasabing lugar upang iligaw ang imbestigasyon.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Tigbao Municipal Police Station para matukoy kung sino ang nasabing biktima.