Martilyo Source: File photo

Babae pinatay sa martilyo ng kanyang ama sa Quezon

August 8, 2024 Zaida I. Delos Reyes 132 views

PATAY ang isang 26-anyos na babae na sinasabing may problema sa pag-iisip matapos na pagmamartilyuhin ng kanyang sariling ama nitong Martes ng umaga sa San Narciso, Quezon.

Nakilala ang biktima na si Imelda Gataga Baraauiel , residente ng Sitio Lamboy, Barangay San Vicente sa naturang probinsya.

Arestado naman ang suspect na si Salvador Baraauiel.

Batay sa ulat ng PNP, naganap ng insidente sa loob ng bahay ng mag-ama.

Tinangka umano ng biktima na atakihin ang kanyang ama dahilan upang kumuha ang suspect ng martilyo at ihampas ng paulit-ulit sa ulo ng biktima.

Dead on the spot ang biktima habang inaresto naman ng mga rumispondeng alagad ng batas ang suspect.

Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon sa insidente.