Babae natagpuang lulutang-lutang sa lake
NATAGPUANG lulutang-lutang ang isang babae sa Sampalok Lake sa San Pablo City, Laguna noong Miyerkules, ayon sa mga pulis.
Isang saksi ang nakakita sa palutang-lutang na bangkay na ipinag-bigay alam sa mga pulis, ayon kay PLt. Col. Wilhelmino Saldivar Jr, hepe ng San Pablo City police.
Dakong alas-10:00 ng gabi natagpuan ang lulutang-lutang na bangkay habang nasa gilid si Joshua Barba, 24, isang obrero.
Bago matagpuan ang katawan sa lawa, gumagala pa umano ang biktima sa palibot ng Sampalok Lake.