Default Thumbnail

Babae binaril sa ulo sa QC, dedo

August 29, 2021 Melnie Ragasa-limena 677 views

DEAD-on-the-spot ang isang babae matapos barilin ng malapitan sa ulo habang naglalakad sa Barangay Talipapa sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Gelyn Ansong Usares, 45, at residente ng Road 5, Barangay 164, Caloocan City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bandang alas- 9:00 ng gabi (August 27), nang maganap ang insidente sa Road 3 Barangay Talipapa, Quezon City.

Ayon sa isang saksi abala umano siya sa kaniyang sari-sari store nang makarinig ng putok ng baril.

Nang tingnan umano niya ang pinanggalingan ng putok ng baril ay nakita ang duguang katawan ng ginang na nakabulagta habang naglalakad lamang papalayo ang suspek na armado ng baril patungong Maceda Bridge.

Nakasamsam sa crime scene ang SOCO team na pinamumunuan ni PLt. Reynold Tabbada ang (1) deformed fired bullet at (1) heat sealed plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad sa motibo ng naganap na krimen upang makilala ang salarin.