Babae binaril, patay; lalaki sugatan sa stray bullet

November 30, 2021 Francis Naguit 137 views

ISANG 38-anyos na ginang ang idineklarang dead on arrival habang nasa malubhang kalagayan ang isang lalaki na tinamaan ng ligaw na bala makaraang mabaril umano ng isang gunman Lunes ng gabi sa Hermosa St.,Tondo, Manila.

Kinilala ni P/ Lt.Col. Cenon Vargas Jr., MPD Station1 commander, ang nasawi na si Abigail Ampil, may ka-live in, ng 2833 Benita St., Tondo.

Nasa malubhang kalagayan si Brgy. Kagawad Frankie Seña, 28 , may asawa, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni P/ Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, kay P/ B.Gen. Leo ” Paco” Francisco, District Director, bandang 5:40 p.m. nang ang maganap ang pamamaril sa harap ng Sunog Apog Pumping Station sa Barangay 183 , sa Hermosa St., sakop ng MPD – Station 1.

Sa report ng pulisya, kitang kita sa CCTV ang ginawang krimen nang nag-iisang suspek.

Sa imbestigasyon, kapwa naglalakad ang dalawang biktima sa Hermosa St. nang binaril ang ginang sa ulo ng gunman. Tinamaan si Seña sa katawan.

Kapwa isinugod sa Chinese General ang dalawa, subalit dakong 6:50 p.m. nang ideklarang dead on arrival si Ampil. Patuloy na inoobserbahan si Seña. Nina FRANCIS NAGUIT& JON-JON

AUTHOR PROFILE