WHAT'S NEW

SEE ALL
PCSO

B-DAY NUMERO TUMAMA P60M SA LOTTO!

September 9, 2023 People's Tonight 283 views

PETSA ng kaarawan at edad ng mahal sa buhay ang nagdala ng P58.9 milyong suwerte sa isang lalaki sa Pangasinan.

Pumunta na sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo.

Siya ang nag-iisang nakakuha ng winning number combination na 05-01-27-26-44-11 sa bola ng GrandLotto 6/55 noong Hulyo 5. Ang mga numero ay mga petsa ng kaarawan at edad umano ng kanyang mga mahal sa buhay.

Dati na umanong nanalo ang jackpot winner ng consolidation prizes at umaasa na mananalo ng jackpot prize kaya patuloy na tumataya.

AUTHOR PROFILE