Acosta

Azi, sunod na reyna ng vivamax

December 7, 2022 Vinia Vivar 460 views

Ang bilis din ng pangyayari para sa sexy star na si Azi Acosta dahil kahit ilang buwan pa lang siya sa pag-aartista, pinagkatiwalaan agad siyang bigyan ng Viva Films ng sariling pelikula.

Matapos mapanood bilang support sa mga pelikulang Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili, Sitio Diablo, An/Na at Selina’s Gold, bida na si Azi sa Vivamax Original Movie na Pamasahe.

Sa private screening na ginanap last Monday night, pinuri ng entertainment press ang acting ni Azi pati na ang kanyang innocent beauty. Palaban din sa daring scenes ang alagang ito ni Jojo Veloso at pwedeng-pwedeng maging Reyna ng Vivamax in the future.

Masaya naman si Azi sa mga papuring natanggap at labis na nagpapasalamat sa malaking break na ipinagkatiwala sa kanya.

Aminado siya na sobrang kinabahan siya nang ibigay sa kanya ang project dahil first time niya magbibida.

Pinaghandaan niyang mabuti ang role at sumailalim pa sa workshop kay Direk Roman Perez Jr.

“Nun’g workshop pa lang po, naramdaman ko po agad ‘yung bigat ng karakter ko. Sobra po, eh. ‘Yung winorkshop po kasi namin ‘yung heavy scene agad para hindi po ako masyadong mahirapan,” kwento niya.

Ayon naman kay Direk Roman, hindi niya in-expect na kaya ni Azi ang crying scenes sa Pamasahe dahil nang makatrabaho niya ito sa Sitio Diablo, medyo awkward pa ang dalaga.

“Kasi, para siyang rapper din sa Sitio Diablo, tapos ramdom magsalita. Hindi ko na-realize na ‘ah, hindi pala para sa kanya ‘yun. Ito pala ang para sa kanya, mas dramatic pala siya na artista,” sey ng direktor.

Napaiyak naman si Azi sa mga papuri ng direktor kaya dito rin namin napatunayan na talagang iyakin pala siya.

Available na ang Pamashe sa Vivamax. Kasama rin sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez at Felix Rocco, Rash Flores, Chad Solano, atbp.

AUTHOR PROFILE