Ayuda sa senior citizens, PWD dapat gawing P1K na – ACT CIS

April 24, 2022 People's Journal 100 views

NANGAKO ang ACT CIS Partylist na tatrabahuin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.

Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”

Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD.

“Madami pong mga PWD at senior ang lumalapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o maintenance kada buwan,” ani Yap.

“Pagbalik namin sa kongreso ito ang mga unang panunkalang batas na aatupagin ng aming mga kasamahan,” dagdag pa ni Yap.

Paliwanag pa ni Yap, hihingin nila sa Committee on Appropriations ng kongreso na dagdagan ang pondo ng DSWD sa susunod na taon para sa ayuda ng mga senior at PWD.

AUTHOR PROFILE