Pangandaman

Ayuda sa jobless, farmers, tsuper tuloy sa ’25–DBM

August 1, 2024 Chona Yu 199 views

MAY sapat na pondo ang pamahalaan para ituloy ang pamumudmod ng ayuda sakaling magpatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Ito ang tiniyak ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na sinabing mayroong P253.3 bilyon na inilaang pondo para sa mga cash assistance sa 2025.

Kabilang dito ang P205.5 bilyon para sa Department of Social Welfare and Development at P114.1 bilyon ang para sa Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps); P49.8 bilyon sa social pension; P35.1 bilyon sa protective services; P4.4 bilyon sa sustainable livelihood program; at P1.8 bilyon para sa walang gutom program.

Ayon kay Pangandaman, nadagdagan ang pondo ng P4s dahil isinama sa programa ang first 1000 days ng bata.

Ang Department of Health, may alokasyong P26 bilyon para sa medical assistance to indigent patients(MAIP); at P14.1 bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Tuloy rin ang fuel subsidy sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) na pinondohan ng P2.5 bilyon.

Mayroon ding P100 milyon para sa fuel subsidy ng Department of Agriculture o P50 milyon para sa mga magsasaka at P50 milyon para sa mga mangingisda.

AUTHOR PROFILE