Larawan mula sa IG/Michelle Dy Larawan mula sa IG/Michelle Dy

Ayaw paawat

March 14, 2025 People's Tonight 98 views

TAPOS na ang laban, mga mhie!”

‘Yan na lamang ang naging hirit ng isang netizen sa nakaka-wow na hotness ng beauty content creator na si Michelle Dy.

Masyado ngang ginalingan ni Michelle sa pagbabandera ng kanyang perpektong hubog mula sa mga larawang ibinida niya sa Instagram.

Tila nagwala ang kanyang social media followers sa mga bikini photos na inilabas ng kilalang YouTuber.

“‘Te paawat ka naman! ‘Di na ko makahinga!” hirit pa ng isang IG user.

Sino ba namang kakalma kung masusulyapan ang magandang wangkata ni Michelle sa suot niyang two-piece swimwear.

Ibinida rin ng content creator ang kanyang sun-kissed glow skin. “Sobrang morena!” sigaw ng ilan niyang followers.

Hindi lang sa makeup magaling ang social media personality, magaling din itong maging pampagana sa taglay niyang kariktan at perpektong kurba.

Nag-apoy ang comment section ni Michelle. Maging ang kanyang mga kapwa influencer ay nawindang sa pagpapainit ng social media star.

“Grabeng katawan naman ‘yan!” komento pa ng isang netizen.

AUTHOR PROFILE