Kulong

Ayaw magbayad ng P23K bill sa resto bar, Irish swak sa selda

August 24, 2023 Edd Reyes 145 views

HIMAS-rehas ngayon ang 30-anyos na Irish dahil sa pagwawala at manakit ng bouncer ng resto-bar nang singilin sa mga nainom na alak at pulutan sa Makati City.

Sa halip na paawat, lalu pang nagwala si Fitzgibbon Adam at sinuntok pa sa mukha ang bouncer ng resto-bar nang singilin sya ng kanyang bill.

Matapos manuntok, doon na sinabi ni Adam na magwi-withdraw muna siya sa ATM pero imbes na kumuha ng pera, tinangkang tumakas kaya’t tuluyan na siyang inireklamo ng pananakit at hindi pagbabayad ng bill na umaabot sa P23,479.20.

Sa report kay Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Roderick Mariano, dakong alas-2:30 ng madaling araw ng ireklamo ang Irish.

AUTHOR PROFILE