Ayanna Larawan mula sa IG/Ayanna Misola

Ayan na si Ayanna

January 13, 2025 People's Tonight 88 views

NGAYONG 2025 idol, ikaw pa rin ang pantasya ko.”

Aminadong-aminado pa rin nga ang mga kelot niyang tagahanga na ang Vivamax actress na si Ayanna Misola pa rin ang magiging laman ng kanilang pantasya ngayong kapapalit pa lang ng taon.

Eh paano ba naman kasi, sa Instagram hindi nagpaawat sa pagpapatakam ang sexy star nang mag-upload siya ng kabogerang video niya.

Angat ang walang kupas na kaseksihan ng hot actress sa bikini video na ibinida niya.

Perfect ang timpla ng kanyang katawan at ganda sa suot na two-piece swimwear.

Habang nag-e-enjoy sa pag-awra sa dagat si Ayanna, enjoy rin ang mga male fans sa view ng kanyang wangkata na ibinida niya sa kanila.

“Face card will never decline” nga ang atake ng ganda ng social media sensation. Effortless niyang ibinida ang kaakit-akit na look.

Grabe rin kung makatitig ang bebot, kahit na sinong barako ay paniguradong sapul ang atensyon kapag napadaan sa kanyang mga post.

Pati ang netizens ay nauga sa mala-lindol na lakas ng karisma ni Ayanna, kaya naman pinusuan nila at binaha ng papuri ang nasabing post.

“Ibang klase talaga ang isang Ayanna Misola,” banat pa ng isang netizen.

Bukod sa mga bagong pelikula o palabas, nakilala rin si Ayanna sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Bula (2022), Two Weeks, End (2022) at Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili (2022).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar