
Award-winning South Korean actress natagpuang patay
NAGLULUKSA ngayon ang South Korean entertainment industry sa maagang pagpanaw ng South Korean award-winning actress na si Kim Sae-ron (24) na hinihinalang nag-suicide matapos matagpuan ang kanyang walang buhay na katawan ng isang kaibigan sa kanyang tahanan in Seongdong District. Kinumpirma ng mga police ang pagkamatay ng actress at walang nakitang foul play.
Kim Sae-ron started her acting career in 2009 when she was nine years old sa pamamagitan ng critically-acclaimed move na “A Brand New Life” which was screened sa Cannes International Film Festival. She was the youngest actress to have graced the said filmfest. The following year in 2010, she co-starred with Won Bin in the box office hit movie na “The Man from Nowhere” na siyang nagpakilala kay Kim sa global audience. Ang nasabing pelikula ang biggest-grossing film of all time nung 2010. She also played lead roles in TV drama series tulad ng “Listen To My Heart” nung 2011, “The Queen’s Classroom” in 2013, “Hi! School: Love On” nung 2014 at “Secret Healer” nung 2016 and had starred in critically-acclaimed movies tulad ng “A Girl at My Door” nung 2014, “The Villagers” nung 2018.
Ang magandang takbo ng career ni Kim Sae-ron ay nagkaroon ng significant setbacks matapos siyang mahuli ng drunk driving nung May 18, 2022 in Gangnam District kung saan saan bumangga ang kanyang kotse sa isang electric transformer pole which caused electric shutdown in 57 commercial areas sa loob ng tatlong araw. Ito rin rin ang dahilan ng revocation ng kanyang driver’s license and sparked backlash sa kanyang public image. She backed out sa kanyang bagong TV series na ginagawa and had been away from the limelight since then. She was penalized by the court to pay W20M won (approximately $13,850) at sobrang naapektuhan ang kanyang finances.
The day after the vehicular accident, nag-post siya ng isang hand-written apology sa kanyang Instagram account. It was also reported na namasukan siya sa isang coffee shop for a part-time job pero hindi ito nagtagal dahil nakilala siya ng mga tao. Ang kanyang huling proyekto ay ang 2023 TV series na “Bloodhounds” series na ipinalabas sa Netflix pero reduced ang kanyang participation in the series dahil sa kanyang kinasangkutang car accident.
There were occasional times na meron siyang postings sa kanyang social media account na ang pinakahuli ay nung January 18, 2025 kung saan isang blue emoji ang nakalagay, isang indikasyon na sobrang malungkot ang kanyang puso.
During her entire stint in showbiz ay nakapag-uwi si Kim Sae-ron ng walong acting awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies at pinanghinayangan ng marami ang maaga nitong pagpanaw.
Ang mental depression ay isa sa mga major cause ng suicide cases in South Korea.
Kanta ng BINI pinagtutugtog sa Universal Studios sa Amerika
NASA loob kami ng Universal Studios – Hollywood with good friend Flordeliz Aque and her 11-year-old daughter na si Tata last Sunday nang marinig namin na pinapatugtog ang “Born to Win ” song ng BINI. It was actually Tata who recognized the song. At hindi halos kami makapaniwala na maging sa Hollywood’s Universal Studios ay umabot na ang kasikatan ng P-Pop girl-group ng Star Magic, ang BINI who just culminated their sold-out major concert at the 55-thousand- seater na Philippine Arena last Saturday bilang kick-off ng kanilang world tour.
Tony isa sa nakikinabang sa collab efforts ng GMA at ABS-CBN
NATUTUWA ang actor na si Tony Labrusca na siya’y pinayagan ng ABS-CBN’s Star Magic (kung saan siya nakakontrata) na gumawa ng TV series sa GMA, ang “Bituing Marikit” na pinagbibidahan ni Herlene Budol.
Ang “Bituing Marikit” ay first TV series ni Tony sa bakuran ng Kapuso Network na hindi naman kataka-taka dahil sa ongoing collaborations ngayon ng dalawang major TV networks, ang GMA at ABS-CBN na naging posible nang mawalan ng franchise ang Kapamilya network nung May 2020 dahil sa pamumulitika ng mga kongresista sa panahon ni dating Presidente Rodrigo Duterte.
Ang leading noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” ay napapanood na ngayon sa Kapuso channel. Naging matagumpay din ang movie collaboration ng ABS-CBN at GMA nang sila’y magsanib-puwersa sa pagpu-produce ng “Hello, Love, Again” na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards at pinamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana. Said movie surpassed all existing Filipino box office records na kumita worldwide ng mahigit isang bilyong piso.
Isa si Tony sa natutuwa sa ongoing collaboration ng ABS-CBN at GMA dahil nagkaroon din ng pagkakataon ang mga talents ng dalawang TV networks na magkatrabaho finally.
Iya muling nagsilang ng baby girl
HINDI na ngayon nag-iisang anak na babae si Alana ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania dahil baby girl ang muling isinilang ng “Chika Minute” segment host ng “24 Oras” na si Anya Love, the couple’s 5th child.
Tuwang-tuwa ang apat na naunang anak ng Kapuso couple na sina Primo, Leon, Alana at Astro dahil meron na silang bagong baby sister.
Walang sinabi ang mag-asawang Drew at Iya si Baby Anya kung magpa-fsamily planning sila dahil lima na ang kanilang anak.
‘Batang Quiapo’ malaking tulong kay Sen. Lito Lapid
WALANG alinlangan na si Coco Martin pa rin ang undefeated Primetime TV King dahil sa patuloy na pamamayagyag ng kanyang tumakbong top-rating action drama-series na “FPJ’s Batang Quiapo” now on its second year.
Hindi lamang si Coco ang lead star ng nasabing serye kundi siya rin ang tumatayong creative director at isa sa mga director at producer.
Mas matitindi pang twist at bakbakan ang inaasahan sa “Batang Quiapo” sa pagpasok ng mga bagong karagdangang cast ng serye tulad nina Albert Martinez, Jake Cuenca, Andrea Brillantes, Angel Aquino, Juan Rodrigo, Paolo Paraiso, Gillian Vicencio, Sharmaine Buencamino, Michael de Mesa, Dante Rivero, Chanda Romero at Celia Rodriguez.
Malaking challenge ngayon kay Coco at sa Dreamscape Entertainment kung aabot ang “Batang Quiapo” ng pitong taon tulad ng kanyang naunang “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere ng pitong taon and consistently top-rating.
Sa totoo lamang, napaka-suwerte ng napapasama sa cast ng “Batang Quiapo” dahil may tuluy-tuloy silang trabaho.
Dahil ongoing na ang kampanya, exit na si Sen. Lito Lapid sa serye dahil hinaharap naman nito ngayon ang pangangampanya bilang reelectionist sa pagka-senador.
Napakalaki ng tulong kay Sen. Lito ang kanyang magandang exposure sa “FPJ’s Batang Quiapo” para sa kanyang muling pagtakbo sa pagka-senador.
Naghihintay lamang ang megastar na si Sharon Cuneta sa go signal ni Coco kung siya’y muling mapapasama sa serye dahil sobra umano siyang nag-enjoy sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.