Decibel

Award-winning Korean actors, tampok sa pangmalakasang action-thriller film

December 1, 2022 Ian F. Fariñas 338 views

Isang pangmalakasang Korean movie ang mapapanood sa Philippines cinemas nationwide at ito ay ang action-thriller movie na Decibel.

Isang pelikula ng screenwriter-director na si Hwang In-Ho, mapapanood sa pelikula ang ilan sa mga pinakasikat at award-winning actors ng Korea, at pinagbibidahan nina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk.

Isang former deputy commander mula sa Navy na si Do-Yeong (Kim Rae-Won) ang nakatanggap ng tawag mula sa hindi kilalang lalaki (Lee Jong-Suk) at nagbabanta itong pasasabugin ang isang football stadium na puno ng tao, gamit ang bomba na sumasabog kapag na-trigger ng paligid nito ang noise level at umabot ang decibel sa 100.

Gamit ang kaalaman at husay bilang isang dating parte ng Navy, pipigilan ni Do Yeong ang kakaibang pamamaraan ng pagpapasabog ng bomber at maililigtas ng daan-daang inosenteng buhay.

Pero ang lalaki sa likod ng pagpapasabog at ng mga threatening phone call ay mananatiling misteryo at magbabanta pa ulit na magpapasabog pa ng bomba sa iba’t ibang lugar kung saan mahirap i-control ang ingay at mas maraming inosente ang madaramay.

Mas magiging personal pa para kay Do Yeong ang sitwasyon dahil ang sarili na niyang pamilya ang mismong babantaan na maging biktima ng terrorist attack.

Sa maingat at pinag-isipang plano, susubukan ni Do Yeong na hanapin at pigilan ang pagsabog ng mga sound-operated bombs at iligtas ang lahat.

Magtagumpay kaya siya? O magiging huli na para kay Do Yeong na patigilin ang mga ingay para hindi sumabog ang mga bomba?

Ibinahagi ng Korean superstars na sina Kim Rae-Won at Lee Jong-Suk ang ginawa nilang paghahanda para sa mga naging role sa pelikula.

Si Kim Rae-Won mismo ang gumawa ng kanyang mga action at intense scene at hindi gumamit ng mga stunt double.

“I talked with the director and we agreed that action scenes, including car chases, would be performed by a stunt double. But we had the discussion again on the set and I decided to perform the scenes myself to create a better film,” he said.

Binahagi naman ni Lee Jong-Suk ang experience niya kung paano niya pinaghandaan ang role ng isang kontrabida at kung paano siya naka-connect sa character nito.

According to him, “The character has an underlying sadness. I didn’t think he is simply a villain, but I tried to think of him as a character that has various emotions that are concentrated.”

Sa husay ng casting, isang unique concept ng sound-triggered bomb at masuhay na pagkakasulat ng screenplay kung saan ang direktor na si Hwang In-Ho rin ang isa sa mga screenwriter, asahan na ang Decibel ay isa na namang magiging sikat na Korean movie na maisasama sa listahan ng mga paborito n’yong action movie.

Walang oras ang dapat sayangin, maraming panganib ang haharapin. Gumalaw na at dahan-dahan sa pagkilos, dahil sa bawat ingay ang bomba’y maaraming sumabog.

Panoorin na ang Decibel now showing sa mga sinehan.

AUTHOR PROFILE