Anne

Award-winning film nina Anne at Echo, ipapalabas sa I Heart Movies

June 22, 2022 Ian F. Fariñas 51 views

DALAWANG araw bibida ang award-winning period film na Baler na pinagtambalan ng showbiz Diyos na si Anne Curtis at ni Jericho Rosales sa Pinoy Movie Date ng I Heart Movies bukas, June 24, at sa Sabado, June 25.

Sa ilalim ng direksyon ni Mark Meily, ang Baler ay tungkol sa mga totoong kaganapan sa nangyaring siege ng Baler at ang fictional na love story ng mga bidang sina Celso Resurreccion (Jericho) at Feliza Reyes (Anne).

Si Celso ay isang Kastilang mestizong sundalo na magkakaroon ng relasyon sa anak ng Katipunerong si Feliza.

Hindi magiging madali ang pag-iibigan ng dalawa lalo pa nga at mapapagitna ito sa pagsiklab at kasagsagan ng gulo ng Philippine revolution.

Unang ipinalabas sa Metro Manila Film Festival (MMFF) nu’ng 2008, umani ang Baler ng rave reviews mula sa manonood at mga kritiko.

Katunayan, naghakot ito ng major awards sa Gabi ng Parangal tulad ng best film, Gatpuno Antonio Villegas Award, best director, best actress, best supporting actor at best screenplay trophies, among others.

Binigyan ito ng gradong “A” ng noo’y Cinema Evaluation Board (CEB).

Pinagbibidahan din nina Philip Salvador, Andrew Schimmer, Joel Torre at Carlo Aquino, panoorin ang Baler sa Pinoy Movie Date ng I Heart Movies bukas, June 24 (Friday), 8 p.m.) at sa June 25 (Saturday), 10 a.m. at 4 p.m.

Produced ito ng Viva Films at Bida Productions mula sa panulat ni Roy Iglesias.

AUTHOR PROFILE