Australian amputee dedbol sa ‘sex’

March 31, 2022 Jonjon Reyes 123 views

ATAKE sa puso ang isa sa dahilan ng pagkamatay ng isang 60-anyos na Australian national na bigla na lamang umano itong humandusay sa loob ng tinutuluyang condo sa Malate, Maynila, Miyerkules ng gabi.

Ang banyaga ay hiwalay sa asawa, ng Queensland, Australia at pansamantalang umuukupa sa Adriatico Suite sa Malate. Putol ang kaliwang hita o isang “amputee” at habang umano’y nasa kalagitnaan ng kanilang “foreplay” sa kinakasama nito ay bigla umanong nanikip ang dibdib ng dayuhan.

Dahil dito agad na humingi ng tulong ang kinakasama nito sa staff ng condo, saka sila nakipag-ugnayan sa pulisya.

Ayon sa mga rumespondeng tauhan ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng MPD (Manila Police District)-Homicide Section na si PSSg. Irene Manalili, imbestigador, naabutan nila ang dayuhan na tila walang saplot pang-ibaba.

Lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na naganap umano ang insidente bandang 9:15 ng gabi sa condo unit ng biktima.

Ayon kay “Richelle”, partner ng biktima magsisimula na umano sana silang magtalik nang makaramdam nang paninikip ng dibdib ang biktima.

Iniupo umano nito ang biktima sa kama pero nakita niya na lalong lumala ang kondisyon nito kaya tinawag niya ang kaibigan ng kinakasama na si Raymond Clare na nagsagawa ng CPR (Cardiopulmonary resuscitation). Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE