Aubrey Aubrey Miles/Instagram

Aubrey Miles, suportado ang hilig ng anak na si Rocket: ‘Go find your passion baby’

August 8, 2023 People's Tonight 275 views

IBINAHAGI ng TV host-proud mom na si Aubrey Miles sa kanyang Instagram ang larawan kung saan nagkalat ang mga laruan ng kanyang anak na si Rocket sa iba’t ibang parte ng kanilang bahay.

Sey pa ni Aubrey, imbes na magreklamo siya dahil makalat, mas pinili niyang suportahan na lang ang kanyang anak sa gustong gawin nito dahil alam niyang parte ito ng “child development.”

“Who’s complaining? Go find your passion baby 🚀 Why not have a separate playroom for her? If we do that then we have to stay with her in that room all day which will also separate our family bonding, daily house routine. We want to see her all day and observe her activities considering we don’t have yaya. Just sharing daily life with our kid with special needs,” caption nito sa kanyang post.

Umani naman ng papuri mula na netizens ang post ng TV-host, dahil relate na relate sila sa paglalaro ng kanilang mga anak na “medyo makalat”. “It won’t be like this forever, so cherish the moments and the “kalat,” sey ng isa ring proud mom.

“Next time Ms.Aubrey magugulat ka na lang, they know how to clean up and mag-declutter ng toys nila. Before my Ausume boy sobrang makalat din po, then nakikita niya siguro po na after niya magkalat inaayos namin before kami mag-sleep. Now grabe po ayaw na niya ng makalat. Family support is the best therapy for our Ausome kids,” komento naman ng isa pang nanay.

AUTHOR PROFILE