Abante Si Atty. Priscilla Marie “Princess” Abante ang bagong opisyal na tagapagsalita at maumuno sa Office of the Mayor Communication Office.

Atty. Princess Abante, bagong tagapagsalita ni Mayor Honey

August 31, 2022 People's Tonight 298 views

MAYNILA – Naging katanggap-tanggap sa mga opisyal at miyembro ng Manila City Hall Press Club (MCPC) ang pagtatalaga ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan kay Atty. Priscilla Marie “Princess” Abante bilang opisyal na tagapagsalita at pinuno ng Office of the Mayor Communication Office.

Pinakapanganay sa tatlong anak ng kasalukuyang kinatawan sa Kongreso ng ika-anim na Distrito na Lungsod ng Maynila na si Representative Bienvenido “Benny” Abante, Jr., si Atty. Princess ay nagtapos ng kanyang AB Journalism at Bachelor of Laws at the Faculti of Civil Law sa University of Sto. Tomas.

Nagsilbi rin siya bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission (NYC) mula taong 2005 hanggang 2009 bago lumahok sa Ponce Enrile Reyes & Manalastas Law Firm bilang isang litigation lawyer na humahawak sa malalaking mga kasong kriminal at sibil.

Bukod sa pagiging mahusay na abogada, nagsilbi rin si Atty. Princess bilang Konsehal sa loob ng siyam na taon sa ika-anim na Districto ng Maynila mula 2013 hanggang 2022 kung saan pinamunuan niya ang Committee on Education at miyembro ng iba pang komite.

Siya ang pangunahing may akda ng ordinansa na magkakaloob ng allowance sa mga estudyante sa senior high school na naka-enrol sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod ng Maynila pati na ang pagkakaloob ng buwanang allowance sa mga estudyante ng Universidad de Manila (UdM) at ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).

Si Atty. Abante rin ang natalaga bilang Regional Chairperson ng National Movement of Young Legislators–National Capital Region (NMYL-NCR) habang nanunungkulan bilang konsehal mula taong 2019 hanggang 2022 at kasalukuyang Chief of Staff ng kanyang amang si Rep. Benny Abante mula pa noong hawakan ng kongresista ang pagiging Minority Leader, Deputy Speaker, at Deputy Majority Leader na kasalukuyan niyang posisyon sa Kamara.

AUTHOR PROFILE