Lopez Malugod na tinanggap ni Atty. Alex Lopez at Sen. Imee Marcos ang mga certificate of appreciation mula sa mga kapatid na Muslim sa Manila Golden Mosque sa Quiapo. Kuha ni Jon-jon Reyes

Atty. Lopez, Sen. Imee dumalaw sa Manila Golden Mosque

April 4, 2022 Jonjon Reyes 309 views

PERSONAL na nagtungo sina Manila mayoralty bet Atty.Alex Lopez (kaliwa) at Senator Imee Marcos sa Manila Golden Mosque sa Quiapo upang magbigay respeto sa obserbasyon ng Ramadan ng mga kababayang Muslim.

Ang mga kapatin na Muslim ay nagtitipon-tipon para sa maghapong pagdarasal sa Manila Golden Mosque sa Quiapo, Maynila, araw ng Linggo dahil ito ang unang araw ng pagdiriwang ng Ramadan ngayong buwan ng Abril.

Kasabay nito ay personal din ginawaran ng mga Muslim brothers and sisters sa pamumuno ni Sultan Omar S. Pumbaya ng isang “Certificate of Appreciation” para kina Atty. Alex Lopez at Sen. Imee Marcos bilang pasasalamat at nangangako sila na susuportahan nila ang tambalang Bongbong Marcos (BBM) at Sara UniTeam maging si Lopez na tumatakbo para sa pagka-alkade ng Maynila.

AUTHOR PROFILE