Alex Lopez

Atty. Alex nanguna sa socmed survey

March 31, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 144 views

MULING nanguna si Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa social media (socmed) survey ng Original Mata ng Maynila For Charity Media Inc. (OMMCM) sa mayoral race na ginawa nitong Marso 19 hanggang 25, 2022.

Batay sa datos ng OMMCM, nakapagtala si Lopez ng 58% na sinundan ni Dr. Honey Lacuna na nakakuha ng 25%, Amado Bagatsing na mayroong 9%, Elmer Jamias na 1.9%, Cristy Lim na mayroong 1.1% at may 5% na undecided.

Isinagawa ang survey sa may 3,000 respondents ng lungsod.

Naunang nanguna si Lopez, anak ni dating Manila Mayor Gemiliano “Mel” Lopez, nitong Pebrero sa parehong survey na ginawa rin ng OMMCM at ng isang pahayagang tabloid sa bansa.

Naging sentro ng tanong sa survey kung sino ang kanilang napupusuang alkalde ng lungsod ng Maynila.

Nagpahayag ng pasasalamat si Lopez sa naging resulta ng survey na aniya’y indikasyon lamang na namumulat na ang Manileño sa tunay na kaganapan sa lungsod.

Sa halip, muling binigyang-diin ni Lopez na itutulak niya sa lungsod ang muling pagpapasigla ng negosyo, paglikha ng trabaho, pabahay, at pag-alalay sa mas nangangailangang sektor katulad ng mga vendors at iba pa.

AUTHOR PROFILE