
‘Atin ang West Philippine Sea’
HINDI dapat magpatinag at magiba ang mga Pilipino sa kabila ng mga intimidasyon at pambubully ng Tsina, lalo’t alam natin aniyang ang ipinaglalaban ay ang ating sariling Karagatan, pagkain at pangkabuhayan.
Ito ang mariin tugon ni Sen. Joseph Victor JV Ejercito na nagsabing wala naman ibang inaangkin ang mga Pilipino sa West Philippine Sea kundi nilalaban lamang aniya natin ang ating pag-aari na inaagaw pilit ng China.
“The Philippines will not be intimidated. The West Philippine Sea is rightfully ours, and we will continue to defend it,” ani Ejercito kung saan ay sinusugan niya ang mga Pilipino na tumayo at huwag matakot sa mananakop ng tulad ng China lalo’t ang tanging nilalaban lamang aniya natin ay ang ating soberenya at karapatan at sila ang walang kinikilalang batas sa gitn ng ginawang hatol ng Hague International court na pumapabor sa Pilipinas.
“I condemn in the strongest possible terms the recurrent and unauthorized entry of Chinese maritime forces into the Philippines’ territorial waters.” giit pa ni Ejercito na nagsabing dapat makinig at magbigay respeto ang China dahil mismong Hague ang nagsabing walang basehan ang kanilang 9-9 at hindi ito legal bilang sagot sa Hague ruling nuong 2016 matapos magreklamo ang Pilipinas at humingi ng opinyon ukol dito.
Sinisi rin ni Ejercito ang China dahil sa patuloy nitong pagwawalang bahala sa nasabing desisyon ng International court kung saan ay maliwanag aniyang pabor sa atin ang pinal na desisyon nito at kinilala na ating ang nasabing territoryo na pilit pa rin inaangkin ng China na pinagdesisyunan na Exclusive Economic Zone ng ating bansa.
“Such dangerous actions, including the ramming and towing of Philippine vessels, destabilize our region, jeopardize the safety of our citizens, and undermine our sovereign rights.”
“China acts like a bully by ignoring international maritime laws, including the UNCLOS, disregarding the Philippines’ victory in the 2016 Arbitral Award, and failing to respect the freedom of navigation in the region,” pagpupunto ni Ejercito.
Ipinaliwanag ni Ejercito na nagkakaroon ng kolisyon at komprontasyon ang ating bansa sa Tsina dahil ayaw umano ng mga ito na sumunod sa itinatakda ng batas at bagkus ay patuloy tayo pinaalis, kinakaya kaya at tinutuya sa sariling nating pag aari at ating karapatan base na rin sa ruling ng Hague.
“Instead of engaging in fair and lawful conduct, China resorts to aggressive and underhanded tactics that escalate tensions in our seas, posing a direct threat to regional stability and international maritime norms.”
“China must be held accountable for these trespasses and for endangering Filipino lives. It is imperative for the government to utilize all available means to protect our people and our nation.” ani Ejercito kung saan ay nanindigan itong dapat natin ipakita na hindi tayo papayag magpasakop kaninuman at hindi natin papayagan tapakan ang ating karapatan sa WPS.
Samantala, nanawagan din si Ejercito sa gobyerno na palakasin pa lalo ang ating kapasidad sa pamamagitan ng modernisasyon sa ating mga kagamitang pandigma lalot matinding pagsubok aniya ang ating kinakaharap sa kasalukuyan.
“As I have always said, it is high time that we should speed up strengthening our defense posture by modernizing our military forces.” pagdiriin ni Ejercito.