Vilma

Ate Vi sa pagkaabsuwelto ni Luis sa syndicated estafa: Thank you, Lord!

August 11, 2023 Jun Nardo 235 views

HEAVEN ang feeling ni Vilma Santos-Recto sa pagkakaabsuwelto ng anak na si Luis sa syndicated estafa na ibinibintang sa kanya ng investors kaugnay ng isang fuel company na itinatag nila ng ilang kaibigan.

“Mabait na bata si Luis. Kilala ko ang anak ko. Thank you, Lord!” text back sa amin ni Ate Vi nang hingan namin ng komento.

Lusot si Luis, pero hindi ang mga nakasama niya.

Samantala, tinanong din namin si Ate Vi kaugnay ng comeback movie nila ni Boyet de Leon na “When Met You In Tokyo.”

“Gustong ipasok ng producers sa festival. Marami raw pera ang taon kapag Christmas. Eh, it’s the producer’s call kaya kung ano ang desisyon nila, eh, susunod tayo,” saad pa ni Vilma.

‘Pag napili, star-studded ang 2023 Metro Manila Film Festival dahil may Sharon Cuneta na, may Vilma-Boyet at Marian Rivera, Dingdong Dantes pa.

Eh, kung pumasok din ang Nora Aunor movie na “Pieta”?

Buhay na naman ang pelikulang Pilipino sa Pasko!

AUTHOR PROFILE