Vilma2

Ate Vi naipit sa ‘Espantaho’ at ‘Uninvited’

November 22, 2024 Vinia Vivar 70 views

Now it can be revealed na inalok din pala kay Star for All Seasons ang isa sa official entries sa Metro Manila Film Festival 2024 na “Espantaho” kung saan ay makakasama sana niya si Judy Ann Santos.

Pero mas pinili nga ni Ate Vi na gawin ang “Uninvited” ng Mentorque Productions at Project 8 Projects.

Ang “Espantaho” at “Uninvited” ay parehong napili sa 2nd batch ng official entries for the MMFF 2024.

Sa grand media launch ng “Uninvited” ay natanong si Ate Vi kung bakit ang “Uninvited” ang pinili niya sa tatlong MMFF movies na in-offer sa kanya.

Dito nga ni-reveal ng aktres mismo na ang “Espantaho” ng Quantum Films ang isa sa mga inalok sa kanya.

“Nag-meeting naman ako doon kasi… ang nangyari lang kasi, parang nagkaroon ng problema sa karakter na gagampanan ko. ‘Yun lang ‘yun. And then inayos naman.

“But I will be honest. While meeting with the movie – I’ll say it – with ‘Espantaho,’ I was meeting also with sila Direk Dan (Villegas) regarding this movie, ‘Uninvited,’” simulang paliwanag ni Vilma.

“Of course, excited din ako to be with Judy Ann, you get me? I love Judy Ann.

“It’s just, habang inaayos ‘yon, and I will be honest, nalaman ko na lamang po na sinabmit ‘yung scipt sa first five para sa MMFF but unfortunately, parang hindi napasok,” patuloy niya.

Ang producer na umano ng Quantum na si Atty. Joji Alonzo ang nagbigay ng go signal sa kanya na gawin ang “Uninvited” dahil good friend din niya si Direk Dan.

“It was Atty. Joji who told me, ‘go ahead and do the one with Dan because he is also my son.’ Sabi ni Atty. Joji, ‘do it and I promise you, I will watch that movie.’ So, du’n po nanggaling lahat ‘yun,” aniya.

Proud na proud naman si Ate Vi sa “Uninvited” dahil bukod sa reunion film nila ito ni Aga Muhlach after 30 years ay first time pa niyang nakasama si Nadine Lustre.

Plus dream project niya ito noon pa at sa kanya nga galing ang konsepto ng pelikula.

Directed by Dan Villegas, kasama rin sa cast sina RK Bagatsing, Mylene Dizon, Lotlot de Leon, Gabby Padilla, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Cholo Barretto, Ron Angeles at Tirso Cruz III.

AUTHOR PROFILE