Vilma

Ate Vi, may bilin kay Jane bilang Darna

August 9, 2022 Vinia Vivar 330 views

Jane

Star-studded ang ginanap na grand mediacon ng Mars Ravelo’s Darna last Monday dahil present ang halos lahat ng cast sa pangunguna ng bidang si Jane de Leon.

Ang mas lalo pang nakapagpaningning ng gabi ay ang pagbulaga ni ex-Darna herself at Star for All Seasons Vilma Santos-Recto sa isang recorded video at nagbigay ng message of support para kay Jane.

Simula ni Ate Vi, masuwerte siya for being able to do four Darna films namely Lipad, Darna, Lipad; Darna and the Giants; Darna and the Planet Women at Darna at Ding.

“’Yung pagiging Darna, relevant ‘yan, eh. Lalo na ngayon na napupuno tayo ng challenges sa buhay. ‘Yung character niya ay nagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, and faith that everybody can be Darna. As long as you’re willing to help other people, you’re considered a hero, sey ni ate Vi.

She added, “Maraming nag-aasam na maging Darna. Icon na ‘yung character. Malaking-malaking karangalan ‘yan para sa isang artista na tulad ko na makaganap ng isang Darna.”

At ngayong si Jane na nga ang bagong may-ari ng bato, may paalala si Ate Vi sa bagong Darna.

“Ngayon, Jane, na ikaw ang napiling Darna, bigyan mo sila ng inspirasyon na meron pa ring pagmamahal, meron pa ring tiwala at meron pa ring pag-asa. Ang daming humawak ng batong ‘yan.

“Ngayon, Jane, nasa ‘yo ang bato. Pangalagaan mo ‘yang mabuti. Maging ehemplo ka ng henerasyon ngayon. I wish you all good luck. Nandito lang ako to support you,” pahayag ni ate Vi.

Inimbita pa ng Star for All Seasons ang lahat na manood ng bagong Darna.

“Ako po si Ate Vi, ang Darna ng mga nakaraang henerasyon. At ngayon po, inaanyayahan ko kayong suportahan ang Darna ng bago nating henerasyon, si Jane de Leon,” pahayag ni Ate Vi.

Pagkatapos nito ay hiningan ng reaksyon si Jane na halatang na-overwhelm.

“Ang aga, ha!” masaya niyang sabi.

“Maraming, maraming salamat po sa lahat ng mga nagtitiwala. Actually, hindi ko ini-expect na meron akong message from Tita Vilma Santos. Gagawin ko ang best ko para sa inyong lahat. Maraming, maraming salamat po.

Ang aga! Hindi ko in-expect,” dagdag niya.

Mula sa direksyon ni Chito Roño with Avel Sunpongco at Benedict Mique, lilipad na ang Mars Ravelo’s Darna sa August 15 sa Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live at iWantTFC.

UNTI-UNTING NABUBUO

Unti-unti nang nakukumpleto ang bigating cast ng upcoming GMA historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Tungkol ito sa isang Gen Z na papasok sa mundo ng mga nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Una nang inanunsyo na bibida sa serye sina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza bilang Klay, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose bilang Maria Clara, at Kapuso Drama King Dennis Trillo bilang Ibarra.

Bukod sa kanilang tatlo, bahagi rin ng serye ang Sparkle stars na sina Rocco Nacino bilang Elias at Andrea Torres bilang Sisa.

Abangan ang Maria Clara at Ibarra sa GMA-7.

AUTHOR PROFILE