Vilma

Ate Vi dawit sa galit ng netizens kina Carlo at Charlie

June 18, 2024 Vinia Vivar 176 views

Bumawi si Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto sa inaanak niya sa kasal na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon dahil inimbitahan niya sa isang dinner ang newlyweds at masayang nakipag-bonding sa kanila.

Hindi kasi nakarating si Ate Vi sa kasal nina Charlie and Carlo na ginanap sa Silang, Cavite noong June 9.

Makikita sa post ng Star for All Seasons sa Instagram ang bonding moments nila ng kanyang mga inaanak.

“Dinner with my inaanaks, love you both! Carlo and Charlie,” caption ni Ate Vi.

Sa video ay mapapanood na binigyan pa ni Ate Vi ng bouquet of flowers si Charlie dahil sa pagkapanalo nito bilang Best Actress sa Urian.

“’Andito po ang mga inaanak ko, of course, si Carlo at si April (real name ni Charlie), si Charlie. Meron po akong flowers, gusto kong ibigay ito sa ating 2024 Urian Best Actress Charlie Dizon-Aquino,” sey ni Ate Vi sabay-abot ng bulaklak sa bagong misis.

Kilig na kilig naman si Charlie na nagpasalamat sa kanyang ninang at sey pa niya, “Ipo-post ko po ‘to galing sa inyo.”

Sa comment section ay inulan ng reaksyon ang nasabing post kabilang na ang mga ampalaya o bitter pa ring mga netizen tungkol sa kasalan.

Pero marami rin naman ang nagtanggol sa mag-asawa. Nakiusap din ang ibang supporters ni Ate Vi na huwag nang idamay ang kanilang idolo sa galit ng netizens sa mag-asawa.

AUTHOR PROFILE