Ate ni Sam biktima ng pang-aararo ng truck sa kotse
Labis ang pasasalamat ni Sam Milby na nakaligtas ang ate niya mula sa vehicular accident na kinasangkutan noong nakaraang buwan.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang nangyari kalakip ang kuha ng CCTV kung saan ay makikita ang aksidenteng naganap.
Mapapanood nga sa video na inararo ng isang truck ang isang kotse at nahagip naman nito ang isang motorsiklo na minamaneho ng sister ni Sam.
Kitang-kita sa CCTV ang tindi ng impact ng aksidente kung saan ay naipit pa ang motorsiklo habang total wreck naman ang kotse.
Ibinahagi rin ni Sam ang larawan ng ate niya na nakasaklay at kasalukuyang nagpapagaling pa.
Sa caption ay sinabi niyang milagro ang nangyaring pagkakaligtas ng kanyang kapatid.
“Milagro. Yun ang nangyari sa Ate ko last month. Definitely not the way she wanted to spend the holidays but thank you Lord she is safe and healing,” anang aktor.
Thankful si Sam na walang broken bones ang kapatid although matindi ang mga galos na tinamo nito mula sa aksidente. Pero nalungkot naman ang aktor na isang buhay na nasawi dahil sa nangyari.
“She walked away with no broken bones…. just badly bruised with some stitches (Siya yung nakamotor sa video). but sadly a young mans life was taken. Nawalan daw ng preno yung truck at parang madalas nangyayari to,“ pagbabahagi ng aktor.
Kasunod nito ay ipinahayag ni Sam na sana’y magsagawa ng regular check-up ang mga may-ari ng mga lumang truck para maiwasan ang mga ganitong matitinding aksidente.
“I hope more can be done to force companies to do regular checkups and maintenance for a lot of these older trucks. So glad you’re ok and I love you sis,” pagtatapos ni Sam.