Nora

Ate Guy National Artist na, ilang Vilmanians, malungkot?

June 11, 2022 Joey Aquino 202 views

FINALLY, opisyal nang National Artist ang superstar na si Nora Aunor.

Ito ang mainit na pinag-uusapan ngayon sa showbiz. Bukod kay Ate Guy, idineklara ring bagong National Artist sina Ricky Lee (Literature), Tony Mabesa (Theater), Fides Cuyugan Asensio (Music), Salvacion Lim Higgings (Fashion) at Marilou Diaz-Abaya (Film).

Sa totoo lang, matagal na dapat ginawad kay Ate Guy ang nasabing parangal. Matatandaan na nilaglag siya diumano sa roster ng national artists ni yumaong Pangulong Noynoy Aquino noong 2012 dahil kinuwestyun ang kanyang moralidad. Nakulong ang aktres sa kasong possession of illegal drugs sa Amerika noong 2005. Isa pang itinuturong dahilan nito ay ang pagiging identified supporter niya sa dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Obviously, it was all politics.

Ilang oras bago lumabas ang balita, nabanggit ko sa isang kaibigang writer na makukuha ni Ate Guy ang pagiging national artist sa administrasyon ni President-elect Bongbong Marcos. Dahil paborito siya noon ng pamilyang Marcos. Lalo na ang lola ni PBBM na si Doña Josefa Edralin Marcos. Kaya nagulat at natuwa ako na bago pa bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte ay nakamit na ang parangal na matagal ring ipinagkait sa nag-iisang Superstar. Well deserved ito dahil hindi matatawaran ang kanyang kontribusyon sa Philippine entertainment industry.

Samantala, may nagsasabi noon na mas mauuna pa raw ang kanyang archrival na si Vilma Santos-Recto na maideklarang national artist. Ayon sa isang published article, nagpahayag ng suporta ang Star for All Seasons sa mga bagong hirang na national artist at sinabihan ang mga Vilmanians na “huwag malungkot” sa hindi pa niya pagkakahirang bilang national artist. Apparently, one Vilmanian friend is dismayed over this news. Natawa ako sa sinabi niya na magpu-protesta raw siya. Of course, he was just joking. But on a serious note, may maghain pa kaya ng pormal na protest against Nora’s inclusion in this year’s roster of National Artists? Just Asking…

Disclaimer:

Sa diwa ng malayang pamamahayag, makipag-ugnayan lamang sa Just Asking thru 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com

AUTHOR PROFILE