Nora2

Ate Guy, nagpasalamat kay Duterte … Superstar, labis ang kasiyahan sa Nat’l Artist honor

June 11, 2022 Ian F. Fariñas 160 views

NAGDIWANG ang industriya sa pagkakahirang sa 69-anyos na Superstar na si Nora Aunor bilang National Artist.

Ito ay matapos ang ilang ulit nang pagkaka-isnab sa tinatawag na “National Treasure” ng Philippine cinema dahil umano sa pamumulitika.

Sa isang opisyal na pahayag, labis namang nagpasalamat si Nora sa karangalang tinamo.

Aniya, “Wala pa akong maisip na sasabihin ko sa ngayon dahil sa labis na kasiyahan sa aking puso at para po sa ating lahat.

“Sa mga taong nanalangin po at nakipaglaban hanggang sa huli para maibigay sa akin ang kanilang pinangarap na ako’y mahirang na isang National Artist for Film.

“Higit po sa lahat, walang katapusang pasasalamat sa ating Panginoon, sa MAMA at PAPA ko, sa aking pamilya at mga anak, lalo na sa mga pinakamamahal kong mga fans at mga taong nasa tabi ko sa oras na kailangan ko sila mula noon hanggang ngayon.

“Maraming salamat po sa ating mahal na Pangulo na si President Rodrigo Duterte at mga taong nasa likod ng napakataas na karangalang ito.”

Kasabay ni Ate Guy na hinirang bilang National Artists sina Marilou Diaz-Abaya (pelikula), Tony Mabesa (teatro), Fides Cuyugan-Asensio (musika), Ricky Lee at Gemino Abad (panitikan), Salvacion Lim Higgins (fashion) at Agnes Locsin (sayaw).

Bukod sa supporters ni Ate Guy, maging ang mga kasamahan sa industriya ay nagpaabot din ng congratulatory message sa kanya.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Ormoc Mayor Richard Gomez na, “Congratulations to our new National Artists! I am fortunate to have worked with Ate Guy in the movies, did movies written by Ricky Lee and shot pictures and contributed to his book, was directed by Marilou Diaz Abaya once in the movies.”

Si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño naman, nagsabi na, “Dear Ate Guy, Ikinararangal kong makilala ka at matawag kang isang kaibigan. Alam ng lahat how much you deserve this conferment and it was only a matter of time before our government recognizes how much of a treasure you are to our industry. (Shout out to Tatay Digong!)

“Alam kong marami ka pang mga pangarap and I hope I can be of assistance para matupad mo pa ang gusto mong mangyari industriya natin lalo na sa mga artista nating kailangan ng welfare.

“More than your genius as an actress, saksi ako sa kabusilakan ng puso mo pagdating sa pagtulong sa mga kapwa nating artista. Kahanga-hanga ang malasakit mo and I hope people see this side of you.

“I miss you ate Guy, and I look forward to working with you again soon. Thank you for all the support you have given me and the FDCP.

“Nandito lang ako lagi for you. Congratulations on this conferment as our National Artist for Film and Broadcast Arts.

“It’s about time na may representation ang kababaihan sa ating industriya. Salamat din sa pagtaas ng antas ng mga aktor sa Pilipinas dahil sa karangalang ito.

“Mahal kita Ate Guy. Yakap!”

AUTHOR PROFILE