Pic7

Ate Guy nag-voice over sa ‘Isang Himala’ trailer

December 8, 2024 Ian F. Fariñas 82 views

AYON kay National Artist Ricky Lee, writer ng Pinoy classic film na “Himala” ng Superstar na si Nora Aunor noong 1982 at co-writer ng MMFF entry na “Isang Himala” ni Direk Pepe Diokno starring Aicelle Santos (as Elsa), sa tingin niya ay maa-amuse sa bagong bersyon ang original director nito na si Ishmael Bernal.

Higit pa roon, matsa-challenge umano ang yumaong direktor sa pangyayari na nanganganak ng ibang bersyon ang obra niyang prinodyus noon ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP).

“And I can imagine him looking at all these versions already and say, ‘sige nga, sige nga, tingnan natin,’ not condescendingly. Kasi mahilig siya sa discourse, eh. ‘Sige nga, tingnan natin,’ so masaya kami na ginagawa namin ito. And then, nu’ng ginawa ni Ishma ’yung ‘Himala’ in 1982, ang guideline naming lahat, coming from him, minimalistic siya. Kaya halos walang salita, eh. Ngayon nag-present si Pepe ng vision for his version, expressionistic siya. Musical na siya and then expressionistic siya.

“So, ibang klaseng ‘Himala’ and yet nu’ng lumapit si Pepe, ang nakuha ko, he was, he would be and he is and he was very faithful doon sa original and in a way also very not faithful. Kung may ganu’n man. Nakita ko kasi ‘yung essence, eh, ‘andu’n pa rin, eh. To the letter na ‘yung essence,” pahayag ni Ricky sa “Isang Himala” media launch.

Sa palagay daw niya, mas hindi ikatutuwa ni Direk Ishma kung kinopya lang ni Direk Pepe ang orihinal na “Himala.”

Paniniguro ni Ricky, “That’s when he will condescend. Pero ‘pag nakita niya na nanganak ‘yung original ‘Himala’ ng isang klase ng ‘Himala’ na ikapagmamalaki rin niya at namin, I think matutuwa siya.

“At baka bumangon pa,” biro niya.

Ayon pa sa batikang manunulat, may full support ni Ate Guy ang musical version ng pelikula. Katunayan, meron umanong partisipasyon dito ang Superstar na dapat abangan ng fans.

“Sa trailer, ‘yung huling voice over, that’s Ate Guy,” diin ni Ricky.

Anyway, bukod kay Aicelle, nasa cast din ng “Isang Himala” sina Bituin Escalante, Sweet Plantado, David Ezra at marami pang iba.

Produced ito ng CreaZion Studios kasama ang UnitelxStraightshooter, Kapitol Films at CMB Production.

AUTHOR PROFILE