Arjo

Atayde pinasalamatan mga kasamahan sa Kongreso sa pagsasabatas ng Eddie Garcia Bill

February 12, 2023 People's Tonight 199 views

PINASALAMATAN ng Quezon City District 1 (QCD1) Rep. na si Arjo Atayde ang Kongreso sa pagkaka-apruba sa ikatlo at huling pagbasa sa panukalang batas na nagtatatag ng mas ligtas na working environment para sa mga nagtatrabaho sa industriya ng pelikula at telebisyon.

“Nagpapasalamat ako sa aking mga kasama sa Kamara sa pagpasa ng Eddie Garcia bill. Bilang kasapi ng movie and TV industry, alam kong malaki ang maitutulong nito sa pagprotekta sa kapakanan ng mga nasa industriya,” pahayag ni Atayde.

Ipinasa ng House of Representatives, sa kanilang boto na 240-0, nuong nakaraang linggo ang House Bill 1270 o angEddie Garcia Act 240-0. Isa si Atayde sa mga may akda nito, na naglalayong pagibayuhin ang working conditions sa industriya ng pelikula at telebisyon sa pagtatatag ng occupational safety at health standards para sa mga empleyado.

Ito ay ipinangalan sa acktor na si Eddie Garcia, na namatay nuong 2019 dala ng isang aksidente habang ito ay nagtatrabaho sa isang serye para sa telebisyon. Pinasa ito ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbabasa nuong 2020. Ngunit hindi naipasa ng Senado ang counterpart bill nito nuong 18th Congress.

Mandato ng bill na ito na sundin ng mga prodyuser ng mga palabas sa telebisyon at pelikula ang mga occupational health at safety standards ng Department of Labor and Employment.

Inoobliga nito ang mga employer na bigyan ang mga trabahador o ng mga contractor ng kopya ng kontrata na maliwanag na isinasaad ang bilang ng oras n kanilang gugugulin sa trabaho, ang kanilang job position at description,period of employment, detalye ng kanilang kumpensasyon at iba pang kundisyon na may kinalaman sa kanilang trabaho.

Minamandato din nito na ang bawat trabahador sa pelikula at telebisyon ay kailangang bigyan ng overtime pay kapag lumagpas saw along oras ang kanilang trabaho sa bawat araw, at ang maximum extension nila sa trabaho ay 12 hours. Hindi rin dapat humigit ang kanilang work hours sa 60 hours kada linggo.May Karapatan din ang mga empleyado sa insurance at iba pang social welfare benefits.

Sinabi ni Atayde, na nagsisilbi bilang vice chair ng House Creative Industry and Performing Arts committee, na ang pagpasa sa panukalang batas na ito ay napapanahon para sa industirya na ngayon pa lamang muling bumabawi.

“Hindi natin dapat balikan ang mga makalumang pamamaraan sa pagpapalakad sa industriya, kung saan nalalagay ang mga mangagawa ng industriya sa mga alanganing kundisyon at halos wala silang proteksyon mula sa gobyerno.Kailangan nating matuto sa mga leksyon ng kamatayan ni Manoy Eddie at ng iba pang nagdusa,” sabi ng mambabatas.

Ipinahayag din niya na tiwala siya na ipapasa ng Senado ang counterpart measure na kailangan para sa pagsasabatas nito.

“Naniniwala tayong batid ng ating mga Senador ang pangangailangan na maisabatas ang Eddie Garcia Bill sa lalongmadaling panahon,” sabi ni Atayde.

AUTHOR PROFILE