Default Thumbnail

Aso, pusa nilapa gumulpi sa among sinto-sinto

December 20, 2022 Christian D. Supnad 266 views

PINAGBUBUGBOG umano ng may-ari ng tindahan ang sinto-sinto. Dumumi raw kasi ang biktima sa harap ng sari-sari store. Imbes na unawain ay dali-daling nilamog sa suntok ng suspek ang biktima. Lingid sa kaalaman ng suspek ay kayang-kaya siyang lapain ng alagang aso’t pusa ng biktima na handang ibuwis ang kanilang buhay para sa kanilang amo.

Ang insidente ay naganap umano sa Bgy. Gabon, Abucay, Bataan.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, bigla na lang daw pinagkakagat ng alagang aso ng biktima ang suspek habang binubugbog nito ang amo ng dalawang hayop.

Hindi rin nagpahuli ang alagang pusa ng biktima at pinagkakalmot ang suspek.

Natigil lamang ang umano’y paglapa ng aso’t pusa sa suspek ng umawat na ang mga kapitbahay ng biktima.

Napag-alaman na ang aso’t pusa ay alaga ng biktima at lagi nitong pinapakain.