ashmatt

AshMatt fans, pinakilig ni Matteo sa b-day ni Sarah

July 25, 2021 Vinia Vivar 76 views

Pinakilig na naman ni Matteo Guidicelli ang AshMatt fans nang batiin niya sa social media ang asawang si Sarah Geronimo sa kaarawan nito kahapon.

“Happy birthday my wife! Blessed to be beside a strong, beautiful, powerful, superwoman! Thank you for all the love. I love you forever,” ang birthday message ni Matteo kay Sarah.

Nag-trending din kahapon sa Twitter ang topic na “HappyBirthdaySARAHG” at binati siya ng kanyang Popsters with matching pa-tribute sa kanilang mga mensahe.

Nag-post din ang fan account ni Sarah sa Instagram ng video ng munting selebrasyon kahapon kung saan ay makikitang nagbo-blow ang Popstar Royalty ng candle sa cake habang kinakantahan siya ng birthday song ng ilang mga kaibigan.

Of course, hindi pwedeng mawala sa tabi niya ang kanyang mister.

Anyway, Sarah turned 33 years old yesterday at ito ang pangalawang kaarawan niya bilang Mrs. Matteo Guidicelli.

AUTHOR PROFILE