Ashley

Ashley Ortega natutong maglaba sa lock-in taping

February 19, 2022 Eugene E. Asis 220 views

MEMORABLE para kay Ashley Ortega ang latest drama series niyang ‘Widows’ Web.’ sa GMA7. Dahil naka-lock-in taping sila, buwanan ang uwian niya sa bahay nila sa Cainta. Natutunan niyang mag-laundry sa pamamagitan ng washing machine. Di uso sa bahay nila ang machine wash. May household help na gumagawa noon. Katwiran ng parents niya, madaling masira ang damit sa machidrama series

Naikuwento ni Ashley sa zoom mediacon ng ‘Widows’ Web’ noong Miyerkules, February 17, na ang roommate niyang si Vaness Del Moral ang nagturo sa kanya na gumamit ng washing machine.

Ani Ashley: “Dahil mahabang taping, kailangang mag-laundry. Laging maayos ang damit, ganu’n din ang paligid ng kuwarto. Tulung-tulong kami sa paglilinis.”

Sa bahay nina Ashley, kahit nakakaangat ssila a buhay, tinuruan sila ng kanilang mother na magluto, at maglinis ng bahay. Kanya-kanya sila mag-aayos ng kanilang kuwarto.

Marunong ding mag-drive si Ashley. In fact, dina-drive niya ang kanyang Toyota Fortune van na siya rin ang nagpundar.

Samantala, napahanga ang bagong Kapuso director na si Jerry Sineneng kay Ashley, gayundin sa iba pang members ng cast ng Widows’ Web dahil magagaling lahat.

May kanya-kanyang highlights ang apat na bidang sina Ashley, Vaness, Pauline Mendoza at Carmina Villarroel.

Kahit ang mga supporting cast, nag-shine din tulad nina Ryan Eigenmann, EA Guzman, Adrian Alandy, Christian Vasquez, at iba pa.

Ang ‘Widows’ Web’ ay mapapanood simula sa February 28 pagkatapos ng First Lady.–Noel Asinas

AUTHOR PROFILE