Ashley at Marco ramdam na
RAMDAM na agad ang chemistry sa pagitan ng Sparkle Loveteam na AshCo nina Ashley Sarmiento and Marco Masa.
Sa launch ng kanilang loveteam para sa Sparkle TikTok KIlig Series, makikita agad na kumportable sila sa isa’t isa. Dahil na rin siguro sa co-stars sila sa teleserye na ‘Black Rider’ bago sila maging official loveteam.
“Sobrang excited po ako and thankful po ako dahil na-acknowledge po kami ng GMA. Before po kami i-launch as a love team, may ginagampanan na po kami sa ‘Black Rider.’ We enjoy each other’s company and talagang naga-guide po namin ‘yung isa’t isa,” sey ni Marco.
Thankful si Ashley sa social media kaya marami silang fan agad ni Marco.
“Excited po ako since si Marco very hardworking siya na tao and masaya siya kasama sa trabaho. Magaan siya kasama talaga so I’m really happy with our tandem.”
Kapwa nagsimula bilang child stars sina Marco at Ashley. Si Marco ay lumabas sa iba’t ibang ABS-CBN drama series tulad ng Huwag Ka Lang Mawawala, Honesto, Nathaniel at The Killer Bride.
Sa bakuran din ng ABS-CBN nagsimula si Ashley sa mga teleserye na Dyesebel, Flordeliza, The Greatest Love at The General’s Daughter.
Michelle suportado si Marinas Summers
NAGPAABOT ng suporta si 2023 Miss Universe PH Michelle Marquez Dee sa Pinoy Drag Artist na si Marina Summers na nagku-compete ngayon sa second season ng Drag Race: UK vs. The World.
Nag-post si Michelle sa X (formerly Twitter) bilang suporta at humingi rin siya ng suporta mula sa kanyang followers.
“Marina’s World! You know the drill #Filipinas!” post ni Michelle.
Nangabog nga si Marina sa kanyang performance sa lip sync showdown sa unang episode pa lang. Unforgettable din ang entrance niya sa show with her own version of a Filipiniana dress.
Si Marina ang only Asian representative sa bagong season ng Drag Race UK vs. The World. Siya rin ang first drag queen to represent the Philippines sa international edition of the Emmy Award-winning original series.
Naging contestant si Marina sa kauna-unahang season ng Drag Race Philippines noong 2022. Naging first runner-up siya sa winner na si Precious Paula Nicole.
Rod Stewart kanselado ang Manila concert
KANSELADO na ang concert ni Rod Stewart sa Manila, ayon sa Live Nation Philippines.
Hindi na matutuloy ang concert na nakatakda sanang gawin sa Marso dahil sa “unforeseen circumstances,” ayon sa concert organizers.
Makakakuha naman ng full refund ang mga nakabili na ng ticket.
“We apologize for any inconvenience caused and thank you for your understanding,” pahayag ng Live Nation.
Noong Nobyembre sinimulan magbenta ng ticket para sa Live in Concert, One Last Time? ni Rod na gagawin sana sa Mall of Asia Arena sa March 13.
Kabilang sa mga naging hit song ni Rod ang “Maggie May,” “Do Ya Think I’m Sexy?” “All for Love,” “Sailing,” at “Have I Told You Lately.”