
ASH-lay!
“SLAYYY!!!” ang komento ng netizens sa pakak kung pakak na bikini photos ng aktres na si Ashley Ortega.
Napanganga ang lahat ng kanyang followers nang makita nila ang isang post ni Ashley sa kanyang Instagram page para sa naging bakasyon nito sa isang beach.
Sa isang larawan, bakat na bakat ang kanyang kaseksihan sa suot na two-piece bikini habang nakasalampak sa beach bed.
Bumulaga ang nag-aapoy na abs ni Ashley. Tiyak na tatagaktak ang pawis ng sangkalalakihan kapag nasilayan ang perpektong hubog niya.
Glowing na glowing din si Ashley. Ang makinis nitong balat ay angat na angat sa larawan.
Naglagablab ang comment section ng aktres mula sa fire at heart emojis ng kanyang mga followers. Maging ang ilang kapwa niya personalities ay hindi nakapagpigil at napa-react din sa hotness overload niyang larawan.
“Freshhhh,” komento ng model-actress na si Rere Madrid.