
ASAPEC eagle’s nest ginagawa na
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Nag-groundbreaking noong Sabado ang “eagle’s nest” ng Agila ng San Antonio Patriots Eagles Club (ASAPEC), isang socio-civic group na tumutulong sa komunidad.
Ayon kay municipal budget officer Central Luzon Region XV Gov. Armando Cruz ng The Fraternal Order of Eagles, Philippine Eagles Inc., aabot sa P3 million ang pondo sa pagpapatayo ng gusali ng kanilang kapatiran sa 1,000-square-meter na lote sa Brgy. Maugat.
Gagawin ang gusali para sa kanilang adhikain na “Service to Country, its People, and its Community.”
Magsasagawa din ang kapatiran ng tree-planting sa bundok ng Sierra Madre sa Marso.
Tampok sa nasabing proyekto ang pagtatanim ng 1,000 fruit-bearing trees sa mga dalisdis ng Sierra Madre.
Ayon kay ASAPEC president at municipal planning and development officer Augusto Ortiz, patuloy pa rin ang kanilang pagsasagawa ng community services, kabilang na rin ang pagkakaloob ng scholarships sa mga deserving college students.
Noong 2023, nakipag-kolaborasyon ang ASAPEC sa LGU at pulisya sa pag-isponsor ng License To Own and Possess Firearm (LTOPF) caravan sa Nueva Ecija.