Ruru

ARTISTAHING DELIVERY RIDERS, WANTED KAY RURU

August 7, 2023 Jun Nardo 316 views

WANTED kay Ruru Madrid ang mga artistahing delivery riders. Makakasama niya ang masuwerteng mapipili sa bagong GMA Public Affairs series na Black Rider.

Of course, bayani ang turing sa mga rider lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Nagsulputan silang parang kabute, ‘di ba?

Para sa mga gustong mapili, ang need lang gawin ay i-post sa social media ang audition video at ipamalas ang payanig at pasiklab na talent o skill at kumbisihin ang screening team kung bakit may “K” silang maging bahagi ng series.

Gamitin din ang hashtag na #SamaAkoBlackRider.

Aba, mga rider, magpaandar at magpabida na sa audition video upang makatrabaho ang stars ng Black Rider na sina Ruru, Kylie Padilla at Matteo Guidicelli.

AUTHOR PROFILE