Cosmo

Artista sa Vivamax, nag-join sa Cosmo Manila 2022 tilt

October 31, 2022 Vinia Vivar 393 views

Ipinakilala kamakailan sa entertainment press ang 32 official candidates sa Cosmo Manila King and Queen 2022 and in fairness, mukhang sinala talaga ang mga ito ng pageant committee dahil sa totoo lang, wala kaming nakitang pangit or “walang karapatan.”

Maging sa Q&A with the press, karamihan sa mga ito ay magagaling sumagot. Kapansin-pansin din na ang ilan sa kanila ay mga artista na’t napanood na sa ilang pelikula ng Vivamax.

Ang nasabing pageant ay produced by former model himself, Marc Cubales at ito rin ang unang sabak niya sa pagpo-produce ng bikini pageant.

“We’re back to normal. As a producer, I would like to be the first to produce a sexy pageant competition, a bikini pageant in a very nice venue.

“Higit sa lahat, para makatulong at magbigay saya na rin sa mga agent at models ng sexy pageant show,” pahayag ni Marc.

Patuloy niya, “’Yung feeling na nakakapagbigay ng work through producing is good. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work.

“So, deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila.”

Ang Cosmo Manila Queen 2022 official candidates are Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, and Deberly Bangcore.

Ang mga kandidato naman ng Cosmo Manila King 2022 ay sina Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud and Allen Ong Molina.

Sa nasabing event ay hinirang din ang Male & Female Darling of the Press.

Nag-tie sina Chad Solano at Nash Mendoza sa Male Darling of the Press at sa babae naman ay si Sahara Cruz ang nanalo.

Alamin kung sino ang mag-uuwi ng titulo sa finals night sa November 5 na gaganapin sa Skydome, SM North Edsa to be hosted by Michael Bristol, Joy Barcoma, at John Nite with special guests Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen at Batang Mama.

Part of the proceeds ay mapupunta sa Cosmo Foundation, Gintong Palad & Balikatan Foundation. Cosmo Manila Queen 2022 is produced by Marc Cubales with Edz Galindez as supervising producer, Leklek Tumalad as casting director and Bembem Espanto as overall director.

AUTHOR PROFILE