
Art show inilunsad sa Manila City Hall
MATAPOS ang matagumpay na dalawang sunod na pagtatanghal ng sining, inilunsad noong Lunes ni Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ikatlong “Directions’ art show” sa Bulwagang Rodriguez sa Manila City Hall.
Naglalayon ang mga gawaing sining ng bise alkalde, na binigyang inspirasyon ng United Nations Sustainable Development Goals, na itaas ang kamalayan sa ekolohiya at responsibilidad, partikular sa lungsod ng Maynila.
Nagpapakita ang kanyang mga likhang sining ng kabuuang mapa kung papaano magtungo sa mga makasaysayang distrito sa Maynila.
“It is all about the directions that we will take in our lives. It is a representation of the complexity and beauty of everyday life in the city of Manila,” sabi ng alkalde.
Dinaluhan nina Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, city councilors, department heads, mga kawani, pati na ang mga pang-sibikong komunidad na katuwang sa proyekto tulad ng Manila Chinatown Barangay Organization, Manila Chinese Action Team, Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc. at maging ni Ms. Lourdes “Lulu” Conching- Rodriguez, ang bantog na portraitist na nasa likod ng magagandang larawan ng mga naging alkalde ng Maynila ang launching ng art show.
Nai-konsepto ang Directions III sa pakikipagtulungan ng Department of Tourism, Arts and Culture of Manila (DTCAM) at ng City Engineering, matapos ang natamong tagumpay ng dalawang naunang solo art exhibit.
Sinabi ng bise alkalde na magsisilbing benipisyaryo sa kikitain ng inilunsad na ikatloing art exhibit ang Manila City Hall Band na kamakailan lang ay nagdiwang ng kanilang ika-60-taong anibersaryo.