Default Thumbnail

Armadong tambay pinasok compound ng OB doc, timbog

January 11, 2022 Jonjon Reyes 326 views

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa pagdadala ng patalim at trespass to dwelling ang isang 34-anyos na tambay makaraang pumasok sa compound ng isang OB doctor sa Sta.Ana, Manila.

Nakilala ang suspek na si Mharvin Cabansag, binata, at residente ng Blk.338, Lot ll Target Range, Pembo, Makati City.

Nagpasiya naman na ituloy ang reklamo ng biktimang si Leizel, 53, OB doctor, at residente ng Syquia St., Sta.Ana.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Col. Orlando Mirando Jr., Manila Police District -Station 6 commander, bandang 7:45 a.m. nitong Lunes nang makita ng isang kapitbahay na pumasok sa loob ng storage room ang armadong suspek.

Agad ipinagbigay alam ng saksi ang insidente kay Bgy. Chairwoman Avelina Mallari na nakipag-koordina sa tanggapan ni Lt.Col. Mirando.

Nagresponde sa lugar ang Tactical Motorize Reaction Unit (TMRU) na pinangunahan ni P/ Cpl.Rexson Opalalic, kasama ang tatlo pa at dito na binitbit si Cabansag.

Nagawa pa umanong pumalag si Cabansag pero naagapan ito ng mga awtoridad.

Nakitaan ng patalim ang suspek nag 12” ang haba. at bago dinala sa presinto. Isinasailalim ito sa medical checkup. Jon-Jon Reyes & . J. Aliño

AUTHOR PROFILE