![Default Thumbnail](https://journalnews.com.ph/wp-content/uploads/2023/07/image.jpg)
Arjo sa pangba-bash kay Maine: Tigil-tigilan na po
Tinatawanan na lang ni Arjo Atayde na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin ang fans na may anak na noon pa man ang misis niyang si Maine Mendoza sa dati nitong ka-loveteam na si Alden Richards.
Actually, hindi talaga mamatay-matay ang isyung ito mula noon hanggang ngayon at talagang naniniwala ang karamihan sa AlDub fans na may anak na sina Alden at Maine.
“Hindi sila napapagod, eh. Ang tagal na Mama Ogs, eh,” natatawang sey ni Arjo sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz.
Ipinagpapasalamat naman ni Arjo ang pagmamahal ng fans kay Maine at naiintindihan din niya kung saan nanggagaling ang mga bashing.
“I appreciate the love that they showed for Maine. That’s all coming from love. The way they admired Maine and the love team. But we all have limitations as actors naman and we all see this course through the screen.
“‘Pag nakikita natin ang isang aktor na naba-bash sa maling paraan or what. And this is one of those times.
“Nu’ng nawatak (ang AlDub), obviously and siguro, I came in the picture, pati ako, nadamay sa bashing, eh.
“But it was part of it. I knew I was gonna get bashed. I really don’t care what people have to say. If it’s not true, why bother? I can die tomorrow. Why would they think about what you’re saying?
That’s how I think,” pahayag ng aktor.
“There’s nothing wrong about me loving the person. They’re not in a relationship. I’m not stepping on anyone.
“Hindi ko lang ma-gets ang logic. But again, I understand where they’re coming from despite the bashing.
“So I hope that maintindihan nila ako at kami, especially Maine, of course, my wife, to stop all these unnecessary comments. Wala naman talagang katotohanan,” dagdag pa ng aktor.
Muling nilinaw ni Arjo na pareho silang walang anak ni Maine at pareho ring single before the marriage.
“Wala siyang anak, wala rin akong anak. We both married single. So I hope people respect that. Tigil-tigilan na po ‘yung pagba-bash,” saad ni Arjo.
JOMARI BALAK MAG-PURSUE NG DOCTORATE DEGREE
Nakakabilib naman si Jomari Yllana dahil natapos na niya ang kanyang master’s degree.
Sa Instagram account nila ng misis niyang si Abby Viduya ay makikita ang larawan ni Jom na nakasuot ng toge bilang katibayan ng pagtatapos.
“Congratulations my husband! I’m so proud of you baby. I love how you turn dreams into reality. Keep dreaming and never forget that anything is possible,” caption ni Abby.
Nagtapos si Jom ng Management major in Public Administration sa Philippine Christian University (PCU) at ginanap ang graduation ceremony sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay noong Biyernes, November 29.
Sa isang interview, sinabi ni Jomari na willing din siyang i-pursue ang doctorate degree.
“Walang impossible sa Diyos basta gustuhin mo kayang kaya mo ‘yan. Kahit ano walang imposible sa mundo. Kung ano ‘yung gusto mo mag-achieve may kasamang sakripisyo pero kayang kaya kahit anong lifestyle mo,” sey ng aktor sa interview.
Dahil matatapos na ang termino niya bilang konsehal ng 1st district ng Parañaque, may plano na siyang bumalik sa showbiz industry.
“Isa sa pinaka-exciting, ‘yung nagbakasyon ka. I stopped showbiz, late 30s, so kapag bumalik ako mag-50 na. Eksakto 10 years ako na nawala. Pinaka exciting sa artista ‘yung re-packaging,” aniya.